JE # 123 - Give Christmas a Facelift

By Bren | Dec 22, 2008

 
icon for podpress  Standard Podcast: Play Now | Play in Popup | Download (437)

JE # 123 - Para sa’yo ano ba ang Pasko?

By Bren | Dec 19, 2008

By LJ Salceda / DZAS


Paano kung walang Christmas tree at ‘di malamig ang simoy ng hangin?
Walang parol, belen at iba pang dekorasyong nakabitin?
Walang mga regalong bubuksan o grocery bags mula sa iyong bossing?
Walang cantata, Christmas carols at mga nangangaroling?

Paano kung wala si Frosty, si Rudolph at si Santa?
Wala ang mga pantas at ang bituing gabay nila?
Walang Christmas cards o package na ipadadala?
Walang hamon, puto bumbong, pati keso de bola?

Paano kung walang paputok at fireworks display?
Wala ka pang bonus at 13th month pay?
Walang Christmas parties at iba pang mga programa?
Malayo sa’yong bayan at wala pang kasama?

Paano kung walang December 25 sa isang taon?
Wala simbang-gabi, Noche Buena sa ating panahon?
Paano kung walang mangyari sa iyong mga hinihiling?
Pasko pa rin ba itong maituturing?

Pag-isipan mo…
Ano nga ba talaga ang Pasko?
O baka naman napalitan na ito ng mga simbolo?

JE # 123 - Pagsambang Gabi

By Bren | Dec 18, 2008

pagsambang_gabi

Isang tulog na lang!

Halina’t sama-samang sumamba… magdamag hanggang umaga!

“PAGSAMBANG GABI”
An All-night Christmas Worship Celebration
December 19-20 7pm to 7am

Gaganapin sa Bulwagan ng Panginoon
Folk Arts Theater, Cultural Center of the Philippines, Pasay City

Pagsamba, Special Christmas Presentations, Tiangge at marami pang iba!
FREE ADMISSION!
Hatid ng Day By Day Christian Ministries
Para sa detalye, tumawag sa 832-1120

© 2007 InspiringEntries.com, - Daily Blog Tips Themes